Month: May 2020

Hanggan akala na naman

Posted on Updated on

Eto na naman ako, nakikinig ng mga malulungkot na kanta habang ginagawa ang mga gawaing bahay.

Here I am again. Listening to sappy music while tidying up the house.

Tapos andyan na, andyan ka, biglang nagpakilala. Dun pa lang, sa isang simpleng hi ay alam ko na. Baka ikaw na. Baka ikaw na pala talaga.

Then here it comes, there you are, suddenly letting yourself be known – An introduction.

Baka ikaw na pala talaga ang hinihintay ng puso kong nangungulila. Hindi ko alam kung bakit ganito nlng ang ngiti ko, kahit may dalang duda ang isip ko.

Maybe you really are what my yearning heart was waiting for. My mind is clouded with doubt, but why I am smiling like this?

Baka ikaw na pala ang rason kung bakit magagamit na rin sa wakas ang load kong sa mahigit limang taon ay nangyayamot noong iniwan nya ako.

You might be the reason why I will be able to finally use my mobile credits ever since he left – more than five years ago.

Baka ikaw na pala ang muling magpapatibok ng puso kong namamayat na kahit ilang kanin pa ang sinusubo, ay tila parang gutom pa.

You might be the reason why my skinny heart will start to beat again; although no matter how much food I take, I would still get hungry.

At ikaw, baka ikaw na pala yung taong pupukaw sa mga mata kong unting unting nabubulag sa katotohanang hindi na sya babalik kailan man.

And you, maybe it is you who will wake me up from this slumber that has been blinding me little by little, from ever seeing the truth that he might never come back to me.

Sana… sana ikaw na nga.

I wish… wish that you are the one.

Sana… sana ikaw nalang.

I wish.. wishing for you to be the one.

Pwede bang ikaw nlng muna?

Can you be the one, for now?

Tuwing kausap kita, feeling ko magkatabi lng tayo. Magkatabing nagtatawanan habang kinikilala ang isa’t isa. Parang masyado na yata akong napapasaya.

Minsan naghihirit ka ng mga banat kahit alam kong hindi naman totoo, subalit ayaw kong magsinungaling, biglang napapatawa mo ko.

Ang minsang pagpapramdam moy nagiging madalas na. Kahit hanggang sa panaginip koy bigla kang nagpapakita, ngunit bigla ring nawawala.

Hindi ko man alam kung hanggan kailan o saan to papunta. Ayaw ko lang naman masaktan ng paulit ulit nlng. Ayo ko nang bumalik sa nakaraan at sabihin sa sariling “akala ko pa naman” o “akala ko wag kitang iwan”, ngunit hindi maiiwasang ito’y hanggang akala na naman.